Thursday, October 18, 2007

College Life

ang aking buhay kolehiyo ay hindi biro,minsan masaya minsan mahirap.masaya kapag kasama ko mga barkada ko.mahirap kapag nag sabay-sabay nag bibigay ng mga proyekto mga Prof. ko. dahil d ko talaga alam kung pano ito uumpisahan.minsan mahirap din dahil sa mga exam na sabay-sabay na kaka sira ng ulo.Promise! ^_^ maraming matutunan sa colleger life ng isang estudyante.minsan nga puro nalang kalokohan pero mas marami syempre tungkol sa pag-aaral naman.naranasan ko narin dito ang hindi na natulog dahil sa pag gawa ng mga Projects at mga exam.tulad ngayon umaga na pero d pa ako tulog.mag rereview naman ako MANAGEMENT tsaka sa ALGEBRA pag katapos ko gawin to! pero ok lang un,dahil masarap pumasok kapag may ipinapasa sa PROf! hahaha!

What i have learned from COMP. 1

natutunan ko kay mam Joan ay ang mga parte at mga nilalaman ng Comp.,kung pano gumagana ang Comp. at pano ito nakaaapekto sa buhay ng isang tao sa pang araw-araw na buhay.napag-aaralan ko din kung paano makipag-kumunikasyon ang Comp. sa tao sa pamamagitan ng emails.natutunan ko rin sa Comp. 1 kung pano mag konek ang mga Comp. sa pmamagitan ng internet.nalaman ko rin kung ano ang virus at kung pano ito sinisira ang COmp. at magiging epekto nito kung hindi ito agad matanggal.nalaman ko din ang application,ibat-ibang windows mga blogs at mga bagong gadgets ngayon sa Comp. nalaman ko rin kung pano alagaan ang COmp. sa mga virus.napadali ang mga pag gawa ko ng mga proj. sa paggamit ng Comp.

Wikipilipinas.org

wikipilipinas.org ay isang talaan ng ibat-ibang impormasyon sa pilipinas.andon na lahat ng pwede mong malaman,masilayan,impormasyon at kung ano-ano pa.makikita rin dito ang ibat-ibang larawan ng mga ibat-ibang mga lugar sa pilipinas kagaya ng mga pinaka magagandang pook sa pilipinas.makikita din dito ang mga ibat-ibang mga pangyayari sa pilipinas,gaya ng bagong taon,ramadan at sari-saring pista ng pilipinas.lahat ng mga impormasyon tungkol sa pilipinas ay maaaring hanapin dito sa wikipilipinas.pwede ring hanapin anga mga ibat-ibang uri ng mga dayalekto ng pilipinas.makikita rin dito ang lahat ng klase ng mga pagkain na sa pilipinas lamang pedeng makita,at kung anong pinakamagandang negosyo ang maaaring itayo dito sa pilipinas.